Xi Jinping: Panatilihin ang pinakamalaking pagsisikap sa paglaban sa katiwalian

2022-06-18 18:03:03  CMG
Share with:

Ipinatawag kahapon, Hunyo 17, 2022, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang group study ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC tungkol sa paglaban sa katiwalian.

 

Sinabi ni Xi, na nitong sampung taong nakalipas, natamo ng CPC ang kapansin-pansing bunga sa paglaban sa katiwalian, sa pamamagitan ng pagbuo ng medyo kumpletong sistema ng paglaban sa katiwalian, paglutas sa mga pinanggagalingan ng katiwalian, paggigiit sa “zero tolerance” laban sa katiwalian, pagpapalakas ng ideya sa pagtatatag ng malinis na partido, at pagpapahigpit ng pagsusuperbisa sa kapangyarihan.

 

Hiniling din niyang, palalimin ang pagkaunawa sa buong higpit na pangangasiwa ng partido at gawain ng paglaban sa katiwalian, at panatilihin ang pinakamalaking pagsisikap sa paglaban sa katiwalian.


Editor: Liu Kai