Xi Jinping: Dapat isakatuparan ang mas pantay, mas sustenable, at mas makatiwasay na pag-unlad

2022-06-18 18:01:45  CMG
Share with:

 

Sa pamamagitan ng video link, dumalo at nagtalumpati kagabi, Hunyo 17, 2022, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa sesyong plenaryo ng Ika-25 St. Petersburg International Economic Forum.

 

Tinukoy ni Xi, na sa harap ng malaking pagbabago ng kalagayang pandaigdig at malubhang pandemiya, dapat isakatuparan ang mas pantay, mas sustenable, at mas makatiwasay na pag-unlad, alisin ang mga hadlang sa globalisasyon ng kabuhayan, at pasulungin ang pagbabahagi ng buong mundo ng mga bungang dulot ng inobasyon.

 


Sinabi rin ni Xi, na hindi nagbabago ang mainam na tunguhin ng pangmatagalang pag-unlad ng kabuhayang Tsino. Ipagpapatuloy aniya ng Tsina ang pag-unlad sa mas mataas na kalidad, palalawakin ang pagbubukas sa labas sa mas mataas na antas, at pasusulungin ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative. Ito aniya ay para palalimin ang pandaigdigang kooperasyong pangkaunlaran, at lumikha ng mas mabuting prospek ng pag-unlad.


Editor: Liu Kai