Ika-14 na Pagtatagpo ng mga Lider ng Bansang BRICS, Mataas na Diyalogo tungkol sa Pag-unlad ng Daigdig, at Porum na Industriyal at Komersyal ng mga Bansang BRICS, dadaluhan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina

2022-06-17 11:29:32  CRI
Share with:

Pangunguluhan sa Beijing sa darating na Hunyo 23, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang Ika-14 na Pagtatagpo ng mga Lider ng Bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China, South Africa) na idaraos via video link.

 

Pangunguluhan din sa Beijing sa Hunyo 24, 2022 ni Pangulong Xi ang Mataas na Diyalogo tungkol sa Pag-unlad ng Daigdig na idaraos via video link. Dadalo sa diyalogong ito ang mga lider ng bansang BRICS, mga lider ng mga bagong-sibol na ekonomiya at umuunlad na bansa.

 

Bukod dito, sa pamamagitan ng video link, dadalo at bibigkas ng talumpati sa Hunyo 22, 2022 si Pangulong Xi sa seremonya ng pagbubukas ng Porum na Industriyal at Komersyal ng mga Bansang BRICS.


Salin: Lito

Pulido: Mac