Liderato ng CPC, sinuri ang ulat tungkol sa pagwawasto ng mga problema ng mga institusyong pinansyal

2022-06-18 18:04:04  CMG
Share with:

Nagpulong kahapon, Hunyo 17, 2022, ang Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), para suriin ang ulat tungkol sa pagwawasto ng mga problemang natuklasan sa inspeksyon sa mga institusyong pinansyal.

 

Sa pulong, binigyan ng mataas na pagtasa ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Tsina, ang natamong mga progreso sa nabanggit na inspeksyon at pagwawasto ng mga problema. Sa pamamagitan nito aniya, nalutas ang mga pangunahing problema at panganib, at naparusahan din ang mga tauhang lumabag sa mga batas.

 

Sinabi rin niyang, ang pagpapalalim ng pagkaunawa sa mga prinsipyo ng gawaing pinansyal at pagpapahigpit ng pangangasiwa at pagsusuperbisa sa mga institusyong pinansyal ay mahalaga para pigilan ang mga panganib sa takbo ng pinansyo, at pag-ibayuhin ang reporma at inobasyon.


Editor: Liu Kai