Pag-ahon ng merkadong Tsino, pinasisigla ng digital consumer voucher

2022-05-09 17:10:52  CMG
Share with:


Sakay ng bapor, pinagmamasdan ng mga turista ang mga bulaklak sa lunsod Kunming, probinsyang Yunnan ng Tsina.

Inilabas noong taong 2021 sa mahigit 220 lunsod ng Tsina ang digital consumer voucher na nagkahalaga ng 19 bilyong yuan RMB.

 

Saklaw ng mga ito ang maraming industriya ng konsumo na tulad ng elektrikal at pang-araw-araw na kagamitan sa bahay, damit, pagkain, turismo, at otel.

 

Kasabay ng consumption season ngayong taon, niluluto ng mga chef ng Quanjude ang tradisyonal na pagkain.

Pinasisigla nito ang konsumo ng mga residente.

Litrato ng turistang nakasuot ng national costume ng Tsina sa ibaba ng Jade Dragon Snow Mountain.

Ipinakikita ng datos na sa bawat 1 yuan RMB na halaga ng consumer voucher, 0.87 yuan RMB ang napupunta sa maliliit na bahay-kalakal na may mas mababa sa 300 libong yuan RMB na taunang kita.

 

Masarap na pagkain sa Changsha, lunsod ng probinsyang Hunan.

Ang mga consumer voucher ay hindi lamang nakakapagpasigla sa kabuhayan, kundi tulong din ito sa mga industriya at katam-taman’t maliit na bahay-kalakal upang makahulagpos sa kahirapang dulot ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).


Salin: Lito

Pulido: Rhio