CMG Komentaryo: “Uyghur Forced Labor Prevention Act” ng Amerika, makakapinsala sa iba at sa sarili

2022-06-22 11:17:39  CMG
Share with:

Nitong Martes, Hunyo 21, 2022, (local time) pormal na nagkabisa ang umano’y “Uyghur Forced Labor Prevention Act” ng Amerika kung saan ipinahayag nitong kung hindi mapapatunayan na ang mga kaukulang produkto ng Xinjiang ay hindi mula sa sapilitang pagtatrabaho, ipagbabawal ang pag-aangkat ng mga produkto mula sa Xinjiang ng Tsina.

 

Ito ang pinakahuling kilos ng panig Amerikano sa paninirang-puri sa kalagayan ng karapatang pantao ng Xinjiang, at paggamit bilang sandata ng karapatang pantao. Layon nitong tirahin ang mga may-bentaheng industriya ng Xinjiang na gaya ng bulak, kamatis, at enerhiyang solar para mapigilan ang pag-unlad ng Tsina. Ngunit sa bandang huli, posibleng mapipinsala nito ang sarili.

 

Ang umano’y “sapilitang pagtatrabaho” sa Xinjiang ay ganap na napakalaking kasinungalinang niluto ng mga puwersang kontra-Tsina.

 

Sa katotohanan, hindi nagmamalasakit ang pulitikong Amerikano sa tunay na kalagayan ng paghahanap-buhay sa Xinjiang.

 

Ang tunay na tangka nila ay dungisan ang Tsina sa pamamagitan ng pagluto ng mga kasinungalinan gamit ang karapatang pantao bilang katwiran, tirahin ang mga may-bentaheng industriya ng Xinjiang, alisin ang Xinjiang, lalong lalo na ang buong Tsina, sa global supply chains, at isakatuparan ang umano’y “pigilin ang pag-unlad ng Tsina sa pamamagitan ng isyu ng Xinjiang.”

 

Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na makaraang isagawa ang nasabing desisyon na lipos ng kasinungalinan, guguluhin nito ang pandaigdigang kaayusang pangkalakalan, sisirain ang katatagan ng global industrial at supply chains, at maaapektuhan ang ilang kompanya sa Xinjiang.

 

Ngunit imposibleng maisakatuparan ang tangka ng panig Amerikano na pigilin ang pag-unlad ng Tsina. Dahil sa napakalaking merkadong Tsino at pangangailangan ng merkadong pandaigdig, tiyak na mabibigyan ng malaking pagkakataon ang kompanya ng Xinjiang.

 

Ang pagsasara ng merkadong Amerikano lamang, ay hindi makakapinsala sa kakayahang kompetitibo ng mga produkto ng Xinjiang.

 

Pero, ang mga kapinsalaang dulot ng nasabing desisyon sa panig Amerikano, ay pagbabayaran ng mga mamimiling Amerikano sa bandang huli. Kasalukuyang nakakaranas ang mga mamamayang Amerikano ng pinakamataas na implasyon nitong 40 taong nakalipas.

 

Nakikita ng mga ito na ang nasabing desisyon ng panig Amerikano ay makakapinsala hindi lamang sa iba, kundi sa kanyang sarili mismo.


Salin: Lito

Pulido: Mac