Mga pangulo ng Tsina at Indonesia, nag-usap sa telepono

2022-03-17 11:53:24  CMG
Share with:

Nag-usap Miyerkules, Marso 16, 2022 sa telepono si Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang Indonesian counterpart na si Joko Widodo.
 

Tinukoy ni Xi na bilang mga malaking umuunlad na bansa at kinatawan ng mga bagong sibol na ekonomiya, kapit-bisig na nabuo ng Tsina at Indonesia ang bagong kayarian ng bilateral na kooperasyon, batay sa "four-wheel drive" na kinabibilangan ng pulitika, kabuhayan, kultura at mga usaping pandagat.
 

Nakahanda aniya ang panig Tsino na pahigpitin ang pakikipag-ugnayan sa Indonesia, pasulungin ang bagong pag-unlad ng mapagkaibigang kooperasyon ng kapuwa panig, at patingkarin ang mas malaking istabilidad at positibong puwersa para sa pangkalahatang kalagayan ng kaunlaran ng rehiyon at buong mundo.
 

Diin niya, dapat ipatupad ng magkabilang panig ang mga komong palagay hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyon sa bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at patuloy na palakasin ang kooperasyon laban sa pandemiya.
 

Inihayag naman ni Widodo ang kahandaan ng kanyang bansa na itatag, kasama ng panig Tsino ang Jakarta-Bandung High Speed Railway, alinsunod sa nakatakdang iskedyul.
 

Nakahanda rin aniya siyang pahigpitin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkoordina sa panig Tsino, upang mapasulong ang pagbibigay-pansin ng G20 sa pagbangon ng kabuhayan at kaunlaran ng mundo, at magkasamang resolbahin ang mga pangkagipitang isyung pandaigdig.
 

Nagpalitan din sila ng kuru-kuro hinggil sa kalagayan ng Ukraine.
 

Kapuwa ipinalalagay nilang dapat igiit ang pagpapasulong sa talastasang pangkapayapaan, pigilan ang paglitaw ng malawakang makataong krisis, kontrolin ang negatibong epekto ng sangsyon sa kabuhayang pandaigdig, at iwasan ang pagpapabagal ng proseso ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method