Inilabas nitong Huwebes, Hunyo 23, 2022 ng Ika-14 na Summit ng BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa) ang Deklarasyon ng Beijing kung saan nangakong ipagtatanggol ang kapayapaan at seguridad ng daigdig.
Inihayag ng naturang deklarasyon ang komong paninindigan ng mga bansang BRICS hinggil sa multilateralismo, katarungang pandaigdig, kooperasyon kontra pandemiya, 2030 Agenda for Sustainable Development, at iba pang mahahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig.
Ginawa rin ito ang plano sa kooperasyon ng BRICS sa susunod na yugto.
Kaugnay nito, isinalaysay ni Ma Zhaoxu, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na narating sa kasalukuyang summit ang maraming pragmatikong bungang pangkooperasyon sa mga larangang gaya ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, digital economy, sustenableng pag-unlad, people-to-people exchanges at iba pa.
Sinimulan ng kasalukuyang summit ang bagong paglalakbay ng kooperasyon ng BRICS, at ipinamalas ang malinawag na prospek ng mekanismo ng BRICS.
Salin: Vera
Pulido: Mac