Unang “matalinong pagawaan” ng kagamitan para sa offshore drilling ng Tsina, naisaoperasyon

2022-06-27 15:36:04  CMG
Share with:

Isina-operasyon Linggo, Hunyo 26, 2022 ang kauna-unahang “matalinong pagawaan” (intelligent factory) ng Tsina para sa produksyon ng mga pasilidad sa pagkuha ng offshore gas at langis.

 

Ito ay breakthrough sa pagpapanibago ng nasabing industriya tungo sa matalinong pagmamanupaktura.

 


Halos 575,000 metro kuwadrado ang kabuuang saklaw ng naturang pagawaan, at mayroon itong tatlong sentro ng matalinong produksyon, 7 auxiliary workshop at 8 istasyon ng asembleya.

 

Samantala, abot naman sa 84,000 tonelada ang taunang kapasidad na maaari nitong idisenyo.

 

Kasama rin sa pagawaan ang isang pantalan na makakapag-akomoda ng iba’t ibang uri ng offshore engineering ship, na kinabibilangan ng mga floating production storage at offloading (FPSO), at tagapagdala ng liquefied natural gas (LNG).

 

Aabot sa 4 na bilyong yuan RMB (mga $US 600 milyon) ang taunang halaga ng output ng nasabing matalinong pagawaan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio