Ye Guangfu, nagpasalamat sa malakas na suporta ng ground crew at pagsiguro sa mainam na kalagayan ng mga taikonauts

2022-06-30 16:02:17  CMG
Share with:

Humarap sa media nitong Hunyo 28, 2022, ang tatlong taikonauts ng Shenzhou-13 na sina Zhai Zhigang, Wang Yaping, Ye Guangfu, 74 na araw mula nang bumalik sila sa Mundo.

 

Ito ang kauna-unahang opisyal na pagharap sa publiko ng naturang mga taikonauts pagkaraan ng kanilang misyon sa kalawakan.

 

Tatlong taikonauts ng Shenzhou-13 na sina Zhai Zhigang, Wang Yaping, Ye Guangfu


Ang misyon ng Shenzhou-13 ay kauna-unahang space mission ni Ye Guangfu. Sinabi niyang, “Salamat sa malakas na suporta ng ground crew, natiyak ang maayos na kalagayan ng mga taikonauts sa buong proseso ng misyong ito.”

 

Si Ye Guangfu

Salin:Sarah

Pulido:Mac