Ayon sa pahayag ng China Manned Space Agency (CMSA) nitong Huwebes, Abril 14, 2022, natapos na ng crew ng Shenzhou-13 spacecraft ang lahat ng mga itinakdang gawain at hihiwalay ito mula sa space station core module sa loob ng darating na ilang araw, para bumalik sa Dongfeng landing site sa Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia sa dakong Hilaga ng Tsina.
Sa kasalukuyan, handa na ang lahat ng mga gawain para sa pagkalas ng Shenzhou-13 sa space station.
Salin: Ernest
Pulido: Mac