Ang Partido Komunista ng Tsina (CPC) ay ang naghaharing partido sa Tsina.
Dahil sa isyu ng Shandong, sumiklab noong 1919 sa buong Tsina ang makabayang kilos ng mga estudyante o mas kilala sa tawag na “May Fourth Movement.”
Pagkatapos nito, lumaganap din sa bansa ang Kilos ng Bagong Kultura o New Culture Movement.
Sa maligalig na panahong iyon, lumaganap sa Tsina ang mga bagong kultura at kaisipan na kinabibilangan ng Komunismo o Sosyalismo, at maraming Tsino ang nag-isip ng paraan kung paanong maililigtas at mapapayaman ang bansa.
Ipinalalagay ng ilang matalinong Tsino na maililigtas ng Komunismo ang Tsina, at ito ang dapat tahakin ng bansa.
Dahil dito, umusbong sa iba’t-ibang lugar ang mga grupo ng pag-aaral ng Komunismo.
Sa tulong ng Communist International, idinaos noong Hulyo 23, 1921 sa Shanghai ang pulong ng pagbuo ng CPC.
Ang huling araw ng pulong ay idinaos sa South Lake sa Jiaxing, probinsyang Zhejiang ng Tsina kung saan idineklara ang pagkakatatag ng CPC.
Ang pagtiyak ng Hulyo 1 bilang anibersaryo ng pagtatatag ng CPC ay iniharap ni Mao Zedong, dating lider at Tagapagtatag ng Republika ng Bayan ng Tsina noong Mayo ng 1938.
Sapul nang mabuo ang CPC, orihinal na inspirasyon at tungkulin nito ang paghahanap ng kaligayahan ng mga mamamayang Tsino, at pag-ahon ng Nasyong Tsino.
Ibinigay nito ang napakalaking ambag para sa bansa, nasyon, at daigdig.
Nang panahong maitatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, ilampung dolyares lang ang national income per capita ng Tsina, 35 taong gulang lamang ang average life expectancy ng mga tao, mga 20% ang literacy rate, at 200‰ ang infant mortality rate (IMR) sa bansa.
sa pamumuno ng CPC, puspusang nagsisikap ang mga mamamayang Tsino nitong nakalipas na mahigit 70 taon.
Kaya naman sa kasalukuyan, napakalaking tumataas ang puwersang pangkabuhayan ng Tsina.
Noong taong 2020, lumampas sa 100 trilyong yuan RMB ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng bansa.
Bukod diyan, ngayon ay nasa 77.3 taong gulang na ang average life expectancy ng mga Tsino, nasa 9.9 taon ang karaniwang panahon ng pag-aaral ng populasyon mula sa 15 anyos pataas, at bumaba sa 5.6‰ ang IMR.
Samantala, sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, 770 milyong populasyon sa kanayunan ang na-i-ahon mula sa ganap na kahirapan.
Ito ang lumutas sa historikal na problema ng ganap na karalitaan na ilang libong taon nang nagpapasakit sa Nasyong Tsino.
Bukod pa riyan, nag-ambag din ang CPC sa daigdig, at ipinagkakaloob ang mga kalutasang Tsino para resolbahin ang mga problemang pandaigdig.
Una, sa gitna ng pagbaba ng popularidad ng sosyalismo sa mundo, ibinigay ng CPC ang napakalakas na bitalidad ng siyentipikong sosyalismong may katangiang Tsino, na nagsisilbing sandigan ng sosyalismong pandaigdig.
Ikalawa, para sa malawak na masa ng mga umuunlad na bansa na nais mapabilis ang kani-kanilang pag-unlad kasabay ng pagpapanatili ng kanilang pagsasarili, ipinagkakaloob ng Tsina ang mga karanasan para maharap ang landas ng pag-unlad na angkop sa kani-kanilang kalagayang pang-estado.
Ikatlo, ang ideya ng Komunidad na May Pinagbabahaginang Kapalaran ng Sangkatauhan ay nakakapagbigay ng katalinuhang Tsino para ibayo pang kumpletuhin ang sistema ng pagsasaayos ng buong mundo.
Salin: Lito
Pulido: Rhio