Wang Yi, dadalaw sa mga bansa sa Timog-silangang Asya mula Hulyo 7 hanggang 14

2022-07-01 18:21:25  CMG
Share with:

Ipinatalastas Biyernes, Hulyo 1, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na mula Hulyo 7 hanggang 14, opisyal na dadalaw sa Pilipinas, Myanmar, Indonesia, Thailand at Malaysia si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.

 

Samantala, pangunguluhan din niya ang Ika-7 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) na gaganapin sa Myanmar,.

 

Maliban diyan, dadalo rin si Wang sa pulong ng mga ministrong panlabas ng G20 sa Indonesia.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio