Hunyo 30, 2022, Embahada ng Tsina sa Myanmar – Sa seremonya ng pagtanggap ng bagong batch ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na ipinagkaloob ng Tsina sa Myanmar, ipinahayag ni Chen Hai, Embahador ng Tsina sa nasabing bansa, na hanggang sa kasalukuyan, 51 milyong dosis na ng bakuna kontra COVID-19 ang naipagkaloob ng Tsina sa Myanmar.
Ang pagtulong na ito ay magpapatuloy aniya sa iba’t ibang porma para bigyang agapay ang mga mapagkaibigang panig na tulad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at gumanap ng konstruktibong papel tungo sa pag-unlad ng Myanmar.
Ani Chen, ang ASEAN ay pangunahing katuwang ng Tsina kontra COVID-19.
Kaugnay nito, ipinagkaloob na aniya ng Tsina ang mahigit 600 milyong dosis na bakuna kontra COVID-19 sa mga bansang ASEAN.
Sa hinaharap, patuloy pang papalalimin ng Tsina ang komprehensibong estratehikong partnership sa ASEAN, isasagawa ang kooperasyon sa paglaban sa COVID-19, at pasusulungin ang pagbangon ng kabuhayan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio