Patakarang“Isang Bansa, Dalawang Sistema,”kailangang igiit — Xi Jinping

2022-07-01 15:31:18  CRI
Share with:

Hong Kong Convention and Exhibition Center (HKCEC) — Maringal na idinaos Biyernes, Hulyo 1, 2022 ang selebrasyon sa Ika-25 Anibersaryo ng Pagbalik ng Hong Kong sa Inangbayan at Inagurasyon ng Ika-6 na Termino ng Pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).


Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na paulit-ulit nang napatunayan, na ang patakarang “Isang Bansa, Dalawang Sistema” ay hindi lamang angkop sa pundamental na kapakanan ng bansa at Nasyong Tsino, kundi maging sa pundamental na kapakanan ng Hong Kong at Macao.

 

Kaya buong pagkakaisa at buong tatag itong sinusuportahan ng mga mamamayang Tsino at residente sa Hong Kong at Macao.

 

Dapat pangmatagalang igiit ang nasabing patakaran, diin ni Xi.

 

Sinabi ng pangulong Tsino na makaraang bumalik sa Inangbayan, naisakatuparan ng mga kababayang taga-Hong Kong ang pamamahala sa kanilang sarili.

 

Buhay na buhay aniya ang tunay na demokrasya sa Hong Kong, at ang katunayan ay ang “pangangasiwa ng mga taga-Hong Kong sa Hong Kong” at “mataas na awtonomiya.”

 

Diin ni Xi, ang demokratikong sistema ng HKSAR ay angkop sa patakarang “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” at katayuan ng sistemang konstitusyonal ng Hong Kong.

 

Nakakatulong din aniya ito sa pangangalaga sa demokratikong karapatan ng mga residente ng Hong Kong, at sa pagpapanatili ng kasaganaan at katatagan ng lugar.

 

Dagdag ni Xi, kailangan ding ipatupad ang prinsipyong “pamamahala ng mga bayani sa Hong Kong.”

 

Sinabi niya na walang mamamayan sa anumang bansa’t rehiyon ang nagpapahintulot na magkaroon ng taksil o puwersang taksil sa bayan.

 

Ang matibay na pagtataglay ng kapangyarihan ng mga bayani ng HKSAR ay kinakailangang para mapanatili ang pangmatagalang kaayusan at pangmalayuang katahimikan ng Hong Kong, diin ng pangulong Tsino.

 

Sa nang araw ring iyon, sa superbisyon ni Xi, nanumpa sa tungkulin ang mga pangunahing opisyal ng ika-6 na pamahalaan ng HKSAR na pinamumunuan ng Punong Ehekutibong si Lee Ka Chiu John.

 

Ipinahayag ni Lee Ka Chiu John na magsisikap siya, kasama ng kanyang koponan para magkakasamang maitayo ang isang masagana at masiglang Hong Kong na may pagmamahal, pagkakataon, at pag-asa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio