Ngayong araw sa kasaysayan: Hong Kong, bumalik sa inang-bayan

2022-07-01 11:31:05  CRI
Share with:

Matapos ang 156 na taong pamamahala ng Britanya, bumalik ang Hong Kong sa Inangbayan noong 1997.

 

Mga residente ng Hong Kong na nagdiriwang sa pagbalik ng kanilang lugar sa Inangbayan – Hulyo 1, 1997


Sa loob ng isa at kalahating siglo, sa kabila ng magkaibang proseso ng pag-unlad, napanatili ng Hong Kong at Chinese mainland and matalik na ugnayan dahil sila’y kapuwa nabibilang sa Nasyong Tsino.

 

Disyembre 18, 1984 – dumating ng Beijing si Margaret Hilda Thatcher, Punong Ministro ng Britanya.


Noong Disyembre 19, 1984, pormal na nilagdaan ng Tsina at Britanya ang “Magkasanib na Pahayag Tungkol sa Isyu ng Hong Kong,” kung saan nagkasundo ang dalawang signataryong panig, na mula Hulyo 1, 1997, ibabalik sa Tsina ang soberanya ng Hong Kong.

 

Bukod pa riyan, ipinangako ng Tsina na ayon sa prinsipyo ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” 50 taong pananatilihin ang kapitalistang sistema sa Hong Kong makaraang bumalik sa Inangbayan, at itatatag ang Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).

 

Nitong 25 taong nakalipas, komprehensibong isinasagawa ng pamahalaang sentral ang patakarang “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” nilikha ang demokratikong sistema ng HKSAR, at sinusuportahan ang walang patid na pagpapabuti nito.

 

Sa proseso ng walang tigil na pagharap at paglutas sa mga bagong problema at hamon, nakikita ang napakalakas na bitalidad at pleksibilidad ng nasabing patakaran.

 

Pagbalik sa Inangbayan: pagsisimula ng bagong panahon ng demokrasya ng Hong Kong

 

Bago bumalik ang Hong Kong sa Inangbayan, napakalayo at imposibleng mangyari ang hangarin ng mga kababayang taga-Hong Kong na pamahalaan ang kanilang sarili.

 

Pero, nang makabalik sa Inangbayan, walang patid na tumutungo ang lipunan ng Hong Kong sa bagong pag-unlad ng demokrasya, sa ilalim ng bagong kaayusang konstitusyonal.

 

Una, nitong 25 taong nakalipas sapul nang maitatag ang HKSAR, walang patid na dumarami ang elementong demokratiko tulad ng paghalal ng punong ehekutibo at konsehong lehislatibo, at lubos na naigagarantiya ang karapatan ng lahat ng permanenteng residente ng Hong Kong sa pagboto at pagkandidato.

 

Ang mga permanenteng residente ng Hong Kong ay hindi lamang nakikilahok sa pamamahala sa HKSAR, kundi, kasama rin sila sa pamamahala sa mga suliraning pang-estado alinsunod sa batas.

 

Bukod pa riyan, mahigit 5,600 taga-Hong Kong ang nanunungkulan ngayon bilang kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan sa iba’t-ibang antas, at mahigit 200 sa mga ito ay nanunungkulan bilang kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).

 

Law of the People's Republic of China on Safeguarding National Security in the Hong Kong Special Administrative Region: garantiya sa kasaganaan at katatagan ng Hong Kong

 

Ang pagkakaroon ng matahimik na pamumuhay at matatag na trabaho ay simpleng hangarin ng nakakaraming mamamayan ng Hong Kong.

 

Sapul nang bumalik sa Inangbayan, muling nailakip ang Hong Kong sa pambansang sistema ng pagsasa-ayos, at natamo ng patakarang “Isang Bansa, Dalawang Sistema” ang tagumpay na kinikilala ng komunidad ng daigdig.

 

Samantala, nitong mga nakaraang taon, lumaganap ang mga aksyong “kumokontra sa Tsina at gumugulo sa Hong Kong” dahil sa iba’t-ibang uri ng masalimuot na elemento mula sa loob at labas ng bansa.

 

Ito ay nagresulta sa pagkakasadlak ng Hong Kong sa masamang kalagayan.

 

Para baguhin ang situwasyong ito, pinagtibay noong Hunyo 30, 2020 ng ika-20 pulong ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina ang “Law of the People's Republic of China on Safeguarding National Security in the Hong Kong Special Administrative Region” para kumpletuhin ang sistemang pambatas at mekanismo ng pagpapatupad ng batas ng HKSAR hinggil sa pangangalaga sa pambansang seguridad.

 

Ito’y nakapaglatag ng matatag na sistematikong garantiya sa pangangalaga sa pangmalayuang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong.

 

Pamamahala ng mga bayani sa Hong Kong: nukleo ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema”

 

Paglagda, Marso 11, 2021, ng mga residente ng Hong Kong bilang suporta sa pagpapabuti ng sistemang elektoral at paggarantiya sa pamamahala ng mga bayani sa Hong Kong.


Ang “pamamahala ng mga bayani sa Hong Kong” ay nangangahulugang dapat pamahalaan ng mga bayani ang Hong Kong makaraan itong bumalik sa Inangbayan, at ang kapangyarihan ng HKSAR ay dapat nasa kamay ng mga bayani.

 

Noong Marso 2021, ipinagdiinan ni Xia Baolong, Pangalawang Tagapangulo ng CPPCC at Puno ng Tanggapan ng Konseho ng Estado sa mga Suliranin ng Hong Kong at Macao, na ang “pamamahala ng mga bayani sa Hong Kong” ay nukleo ng patakarang “Isang Bansa, Dalawang Sistema.”

 

Pinasusulong nito aniya ang matatag na pagsasagawa ng patakarang “Isang Bansa, Dalawang Sistema.”

 

Bagong atmosperang pulitikal: bagong pagsisimula ng Hong Kong

 

Noong Mayo 8, 2022, maalwang idinaos ang halalan ng ika-6 na punong ehekutibo ng HKSAR, at si Lee Ka Chiu John ang nagwagi.

 

Noong Mayo 8, 2022, nahalal si Lee Ka Chiu John bilang ika-6 na Punong Ehekutibo ng HKSAR.


“Sa ilalim ng prinsipyong ‘pamamahala ng mga bayani sa Hong Kong,’ palalakasin ng bagong pamahalaan ng HKSAR at Legislative Council ang pagpapalagayan para magkasamang malutas ang mga problemang panlipunan.”

 

Ito ang winika ni Lee Ka Chiu John sa araw ng kanyang pagkahalal.

Sinabi niya na magsisikap ang bagong pamahalaan ng HKSAR para maitatag ang isang mas mainam, mas bukas, at mas maharmonyang Hong Kong.


Salin: Lito

Pulido: Rhio