Tulong, ipinagkaloob ng Red Cross Society ng Tsina sa Afghan Red Crescent Society

2022-07-04 16:45:18  CMG
Share with:

Hulyo 3, 2022, Kabul – Sa seremonya ng pagtanggap ng tulong mula sa Red Cross Society of China para sa Afghan Red Crescent Society (ARCS), ipinahayag ni Wang Yu, Embahador ng Tsina sa Afghanistan, na sapul nang maganap ang malaking lindol sa Afghanistan, agarang ipinagkaloob ng Tsina ang maraming makataong tulong.


Ani Wang, kasama ng Afghanistan, patuloy na magsisikap ang Tsina, para suportahan ang mga mamamayang Afghan sa pagharap sa kalamidad at ibigay ang ambag para sa pagsasakatuparan ng sarilinang pag-unlad ng bansa.

 

Samantala, ipinahayag ni Matiul Haq Khalis, Pangulo ng ARCS ang taos pusong pasasalamat sa tulong ng Tsina.

 

Umaasa siyang itutuloy ng Red Cross Society of China at ARCS ang pagkakaibigan at mahigpit na pag-uugnayan.

 

Naganap ang napakalaking lindol nitong Hunyo 22, 2022, sa Afghanistan


Salin:Sarah

Pulido:Rhio