Xi Jinping, may kompiyansa sa kakayahan ni John Lee na pabutihin ang kinabukasan ng Hong Kong

2022-07-01 16:15:13  CMG
Share with:

Hulyo 1, 2022, Hong Kong – Sa pakikipag-usap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay John Lee, bagong Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), sinabi niyang lipos ang pananabik ng mga residente ng Hong Kong sa bagong punong ehekutibo at pamahalaan ng HKSAR.

 

Umaasa aniya siyang matapat na ipapatupad ni Lee ang konstitusyunal na responsibilidad bilang punong ehekutibo, at mainam na pamumunuan ang pamahalaan ng HKSAR para komprehensibo’t wastong ipatupad ang “Isang Bansa, Dalawang Sistema” at saligang batas; pasulungin ang kasiglahan ng Hong Kong; at likhain ang bagong kabanatan ng praktika ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema.”

 

Ani Xi, “Lipos ang aming kompiyansa sa iyo at bagong pamahalaan ng HKSAR, at lipos ang aming kompiyansa sa kinabukasan ng Hong Kong.”

 

Pinasalamatan naman ni Lee ang tiwala ni Xi at pamahalaang sentral.

 

Aniya, buong sikap siyang magtatrabaho, kasama ng kanyang pamahalaan, para ipakita ang bagong situwasyon ng pangangasiwa, at likhain ang bagong kabanata ng kaunlaran.

 

Kasama ni Lee, nakipagtagpo rin si Xi sa mga bagong opisyal ng mga departamentong administratibo, lehislatibo at hudisyal ng HKSAR.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio