Inilabas nitong Hulyo 3, 2022, ng panig pulisya ng Akron, lunsod ng Ohio, Amerika, ang mga video footage ng insidente ng marahas na pagpapatupad ng batas laban sa isang African American, na naganap kamakailan sa lokalidad.
Habang tinutugis ng mga pulis ang 25 taong gulang na si Jayland Walker, pagkaraang lumabas sa kaniyang kotse at tumakas dahil sa paglabag sa regulasyon ng trapiko, binaril at pinatay ng 8 pulis si Walker, sa pamamagitan ng mahigit sa 90 putok na nag-iwan ng halos 60 tama sa kanyang katawan.
Ang insidenteng ito ay nagresulta ng malawak na demonstrasyon sa Akron, bilang protesta sa muling pagkaganap ng marahas na pagpapatupad ng batas ng pulisya laban sa African American.
Kinansela din ang aktibidad sa lunsod kaugnay ng pagdiriwang sa Araw ng Kalayaan ng Amerika.
Ayon sa estadistika ng website ng Mapping Police Violence sa Amerika, umabot sa 2,563 ang kamatayan dahil sa marahas na pagpapatupad ng batas ng mga pulis na Amerikano mula noong taong 2020 hanggang ngayon.
At sa mga nasawi, 565 ay African American, na nasa mahigit 22%.
Ipinakikita nito ang malubhang pagtatangi ng lahi sa Amerika, at malalaking problema sa karapatang pantao na dulot nito.
Dapat managot ang mga pulitikong Amerikano sa kasalukuyang madalas na karahasan at malubhang rasismo sa Amerika. Lalung-lalo na sa Araw ng Kalayaan, kailangan nilang sisihin ang sarili sa isyung ito.
Salin:Sarah
Pulido:Mac