CMG Komentaryo: Uygur Forced Labor Prevention Act ng Amerika, “de-Amerikanisasyon” ng pandaigdigang kadenang pang-industriya

2022-06-23 18:11:19  CMG
Share with:

Batay sa umano’y Uygur Forced Labor Prevention Act (UFLPA) ng Amerika, inilakip nitong Martes, Hunyo 21, 2022 ng Customs and Border Protection ng bansa ang lahat ng mga produkto mula sa Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina bilang produktong may kinalaman sa umano’y “sapilitang pagtatrabaho,” at ipinagbabawal ang pag-aangkat ng anumang produktong may kinalaman sa usaping ito.

 

Ang ganitong masamang kilos ng panig Amerikano ay batay sa kasinungalingan, at taliwas sa kalakaran ng ekonomiya ng merkado o market economy.

 

Layon nitong isagawa ang “hard decoupling” sa Tsina sa larangan ng kalakalan, isa-isang-tabi ang Tsina sa pandaigdigang kadenang pang-industriya o global industry chain, at sugpuin ang Tsina sa pamamagitan ng isyu ng Xinjiang.

 


Pero, dahil sa globalisasyon, iniluluwas sa maraming pook ng daigdig ang mga produkto at hilaw na materyal ng Xinjiang.

 

Malawak ding sumasali ang mga manggagawa ng lahing Uygur ng Xinjiang sa produksyon ng mga kompanya, at sila ay nagsisigasig upang makamtan ang maligayang buhay.

 

Ang umano’y “sapilitang pagtatrabaho,” at tangkang pagboykot sa lahat ng mga produktong may kinalaman sa Xinjiang ay pawang mga kasinungalingan ng panig Amerikano, at ito ay magreresulta sa pagkakahiwalay ng sarili sa pamilihang pandaigdig.

 

Ang pagtanggi ng Amerika sa mga produkto ng Xinjiang ay sintimbang ng pagkalas sa ugnayang pandaigdig, pagtalikod sa mga pagkakataon, at pagbalewala sa maunlad na kinabukasan.

 

Pabibilisin din nito ang pagkakasira ng ugnayan ng Amerika sa pandaigdigang kadenang pang-industriya.

 

Ang sinumang mangangahas na ibalik ang gulong kasaysayan at harangan ang daanan ng iba ay magreresulta lamang sa pagkakaharang ng sariling landas.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio