Chang'e-4 probe ng Tsina, natapos ang gawain para sa ika-44 na lunar day

2022-07-08 15:09:42  CMG
Share with:

Ayon sa impormasyon ng China National Space Administration, pagkaraang matapos ang pagtatrabaho sa ika-44 na lunar day, magkahiwalay na pumasok sa dormant mode ang lander at rover ng Chang'e-4 probe.

 

Ang isang lunar day ay kasinghaba sa 14 na araw sa Mundo.

 


Umabot na sa 1,239.88 metro ang kabuuang biyahe ng lunar rover sa far side of the moon o malayong bahagi ng buwan.

 


Noong Enero 3, 2019, matagumpay na lumapag sa Von Karman Crater ng South Pole-Aitken Basin sa malayong bahagi ng buwan ang Chang’e-4 probe ng Tsina, at nagpadala ito sa daigdig na kuha ng unang litrato ng imahe ng naturang lugar na kinunan mula sa isang malapit na lokasyon.

 

Sa kasalukuyan, nagtatrabaho ng mahigit tatlong taon ang lander at rover Yutu-2 ng Chang’e-4 probe sa malayong bahagi ng buwan, at nangongolekta ng mahigit 3,800 GB ng datos ng siyensiya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac