Sinagot kahapon, Hulyo 8, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang liham ng mga matandang dalubhasa ng National Museum of China (NMC).
Binati ni Xi ang lahat ng mga tauhan ng naturang museo para sa ika-110 anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Ipinahayag niya ang mataas na pagtasa sa mga bagong progresong natamo ng museo sa koleksyon, pananaliksik, eksibisyon, at pagpapalitang panlabas.
Binigyang-diin din niya ang pangangailangan sa mas mainam na paggamit ng mga relikyang kultural, para pasulungin ang pagpapalitan at pag-aaral sa isa’t isa sa pagitan ng mga sibilisasyon, at pangangalaga at pagpapakita ng mga mabuting bunga ng sibilisasyong Tsino.
Nagsimula noong Hulyo, 1912 ang kasaysayan ng NMC, bilang Preparatory Office of the National Museum of History.
Editor: Liu Kai