Xi Jinping, nakikiramay sa pagyao ni dating PM Shinzo Abe ng Hapon

2022-07-09 18:01:01  CMG
Share with:

Ipinadala ngayong araw, Hulyo 9, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Punong Ministro Fumio Kishida ng Hapon, kaugnay ng pagyao ni dating Punong Ministro Shinzo Abe ng bansang ito makaraang barilin.

 

Sa ngalan ng pamahalaan, mga mamamayang Tsino at niya mismo, ipinahayag ni Xi ang pakikidalamhati sa pagpanaw ni Abe at pakikiramay sa pamilya ni Abe.

 

Binigyan ni Xi ng mataas na pagtasa ang ginawang pagsisikap at ibinigay na ambag ni Abe para sa pagpapabuti ng relasyong Sino-Hapones.

 

Ipinahayag din niya ang kahandaan, kasama ni Kishida, na patuloy na pasulungin ang relasyon ng pangkapitbansang pagkakaibigan at pagtutulungan ng Tsina at Hapon, batay sa mga prinsipyong nakalakip sa apat na dokumentong pulitikal ng dalawang bansa.

 

Sa araw na ito, ipinadala rin nina Xi at Unang Ginang Peng Liyuan ang mensahe ng pakikiramay sa byuda ni Abe na si Akie Abe.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos