Sinabi nitong Martes, Hunyo 7, 2022 ni Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, na dapat igiit ng Tsina at Hapon ang win-win cooperation, at palakasin ang pagtitiwalaang panseguridad, para magpatuloy ang isang matatag at malusog na relasyong Sino-Hapones sa susunod na 5 dekada.
Winika ito ni Yang sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kay Akiba Takeo, Pangkalahatang Kalihim ng National Security Secretariat ng Hapon.
Saad ni Yang, ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng normalisasyon ng relasyong Sino-Hapones, at nasa pangunahing puntong historikal ang bilateral na ugnayan.
Dagdag niya, sa kasalukuyan, nahaharap ang relasyon ng dalawang bansa sa mga luma’t bagong kahirapan at hamon, dapat igiit ng kapuwa panig ang tumpak na direksyon ng bilateral na relasyon, at bigyang-diin ang pangmatagalang interes at pangkalahatang situwasyon.
Inihayag naman ni Akiba Takeo ang kahandaan ng panig Hapones na palalimin ang pakikipagtulungan sa panig Tsino, maayos na hawakan ang mga alitan, palakasin ang pag-uugnayan sa mga bilateral at sensitibong isyu at mga mainit na isyung pandaigdig, at magkasamang itatag ang konstruktibo’t matatag na relasyong Hapones-Sino.
Salin: Vera
Pulido: Mac
CMG Komentaryo: Sinisira ng Hapon ang katatagan at pagkakaisa ng Asya
Kilos-protesta, idinaos ng mga Hapones sa pagbisita ng pangulong Amerikano
Kooperasyon ng Amerika at Hapon, hindi dapat makapinsala sa Tsina
Hapon, muling hinimok ng Tsina na kanselahin ang pagtatapon ng radioactive wastewater sa dagat