Ministrong Panlabas ng Tsina at Kalihim ng Estado ng Amerika, nagtagpo sa Indonesya

2022-07-09 17:57:31  CMG
Share with:

 

Sa sidelines ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Group of 20 (G20), nagtagpo ngayong araw, Hulyo 9, 2022, sa Bali, Indonesya, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika.

 

Binanggit ni Wang ang kahalagahan sa pagtutulungan at paggagalangan ng Tsina at Amerika. Kailangang panatilihin ng dalawang bansa ang normal na pagpapalitan, dagdag niya.

 

Sinabi naman ni Blinken, na mahalaga ang pagtatagpong ito.

 

Ito ang unang face-to-face na pagtatagpo ng naturang dalawang opisyal sapul noong Oktubre ng nagdaang taon.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos