Mensaheng pambati, ipinadala ng Pangulong Tsino at Italyano sa “Pinagmulan ng Italya—Eksbisyon ng Sibilisasyon ng Sinaunang Roma”

2022-07-10 14:34:40  CRI
Share with:

Magkahiwalay na ipinadala Linggo, Hulyo 10, 2022 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Sergio Mattarella ng Italya ang mensaheng pambati sa seremonya ng pagbubukas ng “Pinagmulan ng ItalyaEksbisyon ng Sibilisasyon ng Sinaunang Roma.”

 

Tinukoy ni Xi na sa pamamagitan ng mga makukulay at mahalagang relikya, ipapakita ng nasabing eksbisyon ang malalim na nilalaman ng kulturang Italyano.

 

Umaasa aniya siyang sasamantalahin ng kapuwa panig ang “Taon ng Kultura at Turismo ng Tsina at Italya,” para mapasulong ang pagpapalitang pangkultura, mapalalim ang pag-uunawaan ng mga mamamayan, at makapaghatid ng bagong kasiglahan sa pag-unlad ng relasyong Sino-Italyano.

 

Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Mattarella na ang kooperasyong pangkultura ay mahalagang bahagi ng pagkakaibigang Italyano-Sino.

 

Nananalig aniya siyang walang patid pang mapapalalim ang bilateral na relasyong Italyano-Sino at magkasamang mapapangalagaan ang kapayapaan at katatagang pandaidig.

 

Binuksan sa Beijing nang araw ring iyon ang naturang eksbisyon.


Salin: Lito

Pulido: Rhio