Isang mensahe ang ipinadala kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Sergio Mattarella bilang pagbati sa kanyang muling panunungkulan bilang Pangulo ng Italya.
Sa mensahe, tinukoy ni Xi na may malalim na pundasyong historikal, mainam na mithiin ng mga mamamayan, at matatag na relasyong pangkapakanan ang relasyong Sino-Italyano.
Ang mga ito aniya ang dahilan ng pagkakatatag ng modelong pandaigdig na may paggagalangan sa isa’t-isa, nagdudulot ng pagkakasundo at pagsasaisang-tabi ng hidwaan, at kooperasyon tungo sa win-win na resulta.
Ani Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang relasyong Sino-Italyano, at nakahanda siyang magsikap kasama ni Pangulong Mattarella upang mapalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, mapalawak ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t-ibang larangan, at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Salin: Lito
Pulido: Rhio