Advanced Space-based Solar Observatory ng Tsina, ilulunsad sa Oktubre

2022-07-13 15:41:36  CMG
Share with:

Ayon sa impormasyon ng Chinese Academy of Sciences (CAS), ilulunsad sa Jiuquan Satellite Launch Center ang Advanced Space-based Solar Observatory (ASO-S) ng bansa sa Oktubre ng taong ito.

 


Ang 888-kilogram na observatory ay may 4 na taong nakadisenyong lifespan. Isasagawa nito ang obserbasyon sa solar magnetic field, solar flares at coronal mass ejections, para suportahan ang maagang pagtukoy sa kapahamakan ng klima sa kalawakan.

 


Magkakaroon ito ng tatlong payloads na kinabibilangan ng isang Full-disk Vector MagnetoGraph, isang Hard X-ray Imager at isang Lyman-alpha Solar Telescope.

 


Pagkaraang pumasok sa orbita, ipagkakaloob ng ASO-S ang halos 500 GB na datos ng obserbasyon bawat araw, at ang lahat ng mga makukuhang siyentipikong datos at software ng pag-aanalisa ng satellite ay ibabahagi sa mga user sa buong mundo, upang magkasamang isakatuparan ang siyentipikong target ng ASO-S.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac