Bilang tugon sa magkahiwalay na pahayag na inilabas kamakailan ng Pilipinas at Amerika tungkol sa umano’y hatol hinggil sa South China Sea Arbitration, sinabi nitong Miyerkules, Hulyo 13, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na labag sa mga pandaigdigang batas na kinabibilangan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang nasabing hatol.
Ito ay ilegal at walang bisa, aniya.
Ani Wang, hindi ito tinatanggap at kinikilala ng panig Tsino, at hindi rin tatanggapin ng Tsina ang anumang paninindigan at kilos na nakabase sa hatol na ito.
Ipinahayag pa niya na bilang bansa sa labas ng rehiyong Indo-Pasipiko, binabalewala ng Amerika ang kasaysayan at katotohanan sa isyu ng South China Sea, nilalabag at binabaligtad ang pandaigdigang batas, at lantarang tumatalikod sa pangakong hindi kakatig sa anumang panig sa isyu ng soberanya sa South China Sea.
Aniya, nais sulsulan ng Amerika ang relasyon ng mga bansa, at sirain ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito.
Napaka-iresponsable ng aksyong ito, dagdag ni Wang.
Salin: Lito
Pulido: Rhio