Isang liham na pambati ang ipinadala nitong Martes, Hulyo 12, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pagtatatag ng World Internet Conference (WIC).
Tinukoy ni Xi na ang pagtatatag ng naturang organisasayong pandaigdig ay mahalagang hakbangin na sumusunod sa agos ng panahon ng pagsasaimpormasyon, at nagpapalalim sa pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan sa cyberspace.
Umaasa aniya siyang pasusulungin ng WIC ang diyalogo, pagpapalitan at pragmatikong kooperasyon, at bibigyang-ambag ang pag-unlad at pangangasiwa sa global internet.
Diin ni Xi, dapat magkakasamang likhain ng iba’t ibang bansa sa daigdig ang kinabukasan ng cyberspace.
Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig, na pasulungin ang pagbuo ng mas makatarungan, makatwiran, bukas, inklusibo, ligtas, matatag at masiglang cyberspace, para ihatid ang mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.
Ginanap nang araw ring iyon sa Beijing ang seremonya ng pagpapasinaya ng WIC.
Kalahok dito ang mga kinatawang miyembro ng WIC, kinatawan ng mga organisasyong pandaigdig, kilalang dalubhasa at iskolar sa loob at labas ng bansa, at namamahalang tauhan ng mga kaukulang departamento ng pamahalaang Tsino.
Salin: Vera
Pulido: Mac