Xi Jinping, nagpadala ng liham sa mga batang taga-Taiwan

2022-07-12 14:54:37  CMG
Share with:

Nagpadala nitong Lunes, Hulyo 11, 2022 si Pangulong Xi Jinping ng liham sa mga batang taga-Taiwan na lumahok sa Straits Youth Forum na idinaos sa lunsod ng Xiamen ng lalawigang Fujian mula Hulyo 11 hanggang 12.


Sa kanyang liham, pinalakas ni Xi ang kalooban ng mga bata ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait para magkasamang magpunyagi sa pagbangon ng Nasyong Tsino.


Sinabi ni Xi na patuloy na magkakaloob ang mainland ng Tsina ng mga kaginhawahan para makapag-aral, manirahan at magtrabaho ang mga batang taga-Taiwan sa mainland.


Umaasa rin si Xi na ibabahagi ng mga kalahok na taga-Taiwan ang kanilang naging karanasan sa mainland sa mas maraming batang taga-Taiwan para mapalalim ang kanilang pang-unawa at kaalaman sa mainland.


Salin: Ernest

Pulido: Mac