Ayon sa ulat kamakailan ng website ng magasing Nikkei Asia ng Hapon, hindi pinahina ng dynamic zero-COVID policy ang puwersang ekonomiko ng Tsina, sa halip, lumalakas ang impluwensiyang pang-ekonomiko nito.
Tinukoy ng artikulo na noong 2020 at 2021, ang pagluluwas ng mga bansa ng Silangang Asya at Timog-silangang Asya sa Tsina ay katumbas sa 27% ng kabuuang halaga ng pagluluwas nila, at dalawang taon nauna rito, ang datos na ito ay nasa 25%.
Anang artikulo, noong isang taon, naakit ng Tsina ang 181 bilyong dolyar na Foreign Direct Investment (FDI), at pinakamataas ito sa kasaysayan.
Noong 2020 at 2021, kabilang sa FDI sa Asya, umabot sa 28% ang proporsyon ng Tsina, at pinakamataas ito sapul noong 2013.
Kasabay nito, ang Tsina ay humalili sa Hapon bilang pinakamahalagang pinanggalingan ng kapital ng pamumuhunan sa rehiyon.
Nitong nakalipas na 2 taon, halos 300 bilyong dolyar ang direktang pamumuhunang panlabas ng Tsina, at mas malaki ito kaysa Hapon na nasa 242 bilyong dolyar lamang.
Salin: Vera
Pulido: Mac