Pangalawang PM ng Kambodya, suportado ang Global Development Initiative

2022-07-16 17:38:08  CMG
Share with:

 

Sa nakasulat na panayam ng China Media Group, sinabi kahapon, Hulyo 15, 2022, ni Prak Sokhonn, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Kambodya, na ang Global Development Initiative (GDI) na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ay isa pa sa mga “public goods” na handog Tsina sa daigdig, at makakatulong ito sa pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyong pangkaunlaran at pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng United Nations 2030 Sustainable Development Goal.

 

Ipinahayag din ni Sokhonn ang buong lakas na pagsuporta ng Kambodya sa GDI. Nananalig aniya siyang ibayo pang pasisiglahin nito ang mga umiiral na balangkas na pangkooperasyon, lalung-lalo na ang Belt and Road Initiative at magkasamang pagtatatag ng Kambodya at Tsina ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos