CMG Komentaryo: Kabuhayang Tsino, matatag at mabuti sa harap ng kahirapan

2022-07-16 17:36:25  CMG
Share with:

Ayon sa opisyal na estadistikang inilabas kahapon, Hulyo 15, 2022, ang Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina noong unang hati ng taong ito ay lumaki ng 2.5% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.

 

Sa harap ng mga negatibong epektong dulot ng COVID-19, lalung-lalo na noong nagdaang Abril at Mayo sa ilang malalaking lunsod ng Tsina, hindi madali ang pagkakaroon ng kabuhayang Tsino ng ganitong positibong kalagayan.

 

Higit sa lahat, 1.7% lamang ang paglaki ng Consumer Price Index ng Tsina noong unang hati ng 2022. Ito ay malaking kaibahan sa mataas na inflation rate ngayon sa maraming bansa ng daigdig. Ang medyo mababang inflation rate ay makakabuti sa katatagan ng kabuhayang Tsino, at pagpapanatili ng mabuting pamumuhay ng mga mamamayan.

 

Ang matatag at mabuting takbo ng kabuhayang Tsino sa harap ng mga kahirapan, ay hindi lamang nagpapakita ng katatagan sa pagsubok ng kabuhayan ng bansa, kundi nagpapalakas din ng kompiyansa ng mga mamamayang Tsino sa pagharap sa iba’t ibang panganib at hamon.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos