CMG Komentaryo: Mga pulitikong Amerikano na sumali sa pagpapakana ng rebelyon ng ibang bansa, dapat parusahan ayon sa batas

2022-07-15 15:18:32  CMG
Share with:


Sa panayam ng American media noong Hulyo 12, 2022, inamin ni John Bolton, dating National Security Adviser ng pamahalaan ni Donald Trump ng Amerika, na nagbigay-tulong minsan siya sa pagpaplano ng rebelyon sa ibang bansa.

 

Sa katunayan, hindi na isang lihim ang pagsasagawa ng Amerika ng rebelyon sa ibang bansa nitong nakalipas na mahabang panahon.

 

Pinalalaganap ng Amerika ang imahe nito bilang tagapagtanggol ng “demokrasya” at “karapatang pantao,” nagpipikit-mata sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, maraming beses na nakialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, at nagpabagsak sa rehimen ng ibang bansa.

 

Ang ganitong masasamang kilos ay hindi lamang nagbunsod ng digmaan, kaguluhan at kahirapan sa mga bansang sapilitang binago nito, kundi nagdulot din ng kawalang katiyakan sa katatagan ng mga rehiyon.

 

Kung ang Amerika ay pinag-uugatan ng kaguluhan sa daigdig, ang mga pulitikong Amerikano na tulad ni Bolton ang taga-mando ng paglikha at pagluluwas ng digmaan at kaguluhan sa labas ng bansa. Dapat tanggapin nila ang imbestigasyon at paglilitis ng mga organo ng United Nations, at parusahan sila alinsunod sa batas!

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac