Mula Hulyo 11 hanggang 21, 2022, pansamantalang itinitigil ng Nord Stream 1 ang paghahatid ng natural gas mula Rusya papunta sa Europa.
Nakaapekto ito sa pag-iimbak ng mga bansang Europeo ng natural gas para sa konsumo sa darating na taglamig.
Sapul nang maganap ang sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine, nakisali ang Unyong Europeo (EU) sa Amerika sa pagpapataw ng mga sangsyon sa Rusya.
Dahil dito, binawasan ng Rusya ang bolyum ng natural gas na inihahatid sa Europa. Bunga nito ay tumaas nang malaki ang presyo ng natural gas sa Europa.
Samantala, tumaas ang inflation sa Europa na dulot ng krisis ng enerhiya at naapektuhan nang malaki ang pamumuhay ng mga mamamayang Europeo.
Hanggang sa kasalukuyan, di pa natapos ang krisis ng Ukraine.
Ang mga hamon na kinakaharap ng Europa ay nagpapatunay na hindi kayang lutasin ng unilateral na sangsyon ang umiiral na problema, pero nagdudulot ito ng mga bagong problema.
Para sa mga pulitikong Europeo, ang kinakailangang gawain nila ay hanapin ang mga mabisang paraan para pasulungin ang mapayapang paglutas sa krisis ng Ukraine at mapahupa ang kasalukuyang hamon na kinakaharap ng Europa.
Salin: Ernest
Pulido: Mac