Ayon sa artikulo ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, na inilathala nitong Hulyo 16, 2022 sa Qiushi Journal, flagship magazine ng CPC, sinabi niyang dapat palalimin ang pag-aaral sa kasaysayan ng sibilisasyong Tsino, para palakasin ang kamalayan sa kasaysayan at kompiyansang pangkultura.
Tinukoy ni Xi, na malawak, malalim, at may mahabang kasaysayan ang sibilisasyong Tsino. Ito aniya ay pagkakakilanlang kultural ng nasyong Tsino, pundasyon ng kontemporaryong kulturang Tsino, bigkis na kultural para sa lahat ng mga Tsino sa iba’t ibang lugar ng daigdig, at pamanang nagbibigay ng inspirasyon sa inobasyong pangkultura.
Nanawagan siya para sa mas malaking pagsisikap, upang palalimin ang pag-aaral sa mga katangian at iba’t ibang porma ng sibilisasyong Tsino, at pasulungin ang pagbabagong-anyo at pagpapatuloy ng mga mabuting tradisyonal na kulturang Tsino.
Binigyang-diin din ni Xi ang pagpapalitan at pag-aaral sa isa’t isa sa pagitan ng mga sibilisasyon, para pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos