Ibinigay nitong Huwebes, Hulyo 14, 2022, ng Embahada ng Tsina sa Sri Lanka sa Ministri ng Edukasyon ng bansang ito ang 1,000 toneladang bigas na kaloob ng pamahalaang Tsino.
Ipinasiya kamakailan ng Tsina na bigyan ang Sri Lanka ng 10 libong toneladang bigas na ipapadala sa pamamagitan ng ilang pangkat. Gagamitin ang mga ito bilang tulong sa programa ng pamahalaan ng Sri Lanka ng pagbibigay ng pagkain sa mga estudyante, at makikinabang dito ang mahigit 1.1 milyong estudyante.
Nauna rito, ipinatalastas din ng pamahalaang Tsino ang pagkakaloob sa Sri Lanka ng pangkagipitang makataong tulong na nagkakahalaga ng 500 milyong yuan RMB at kinabibilangan ng mga gamot, gaas at petrolyo, bigas, at iba pa.
Ito ay pinakamalaking donasyon sa Sri Lanka, sapul nang maharap sa kahirapan ang kabuhayan at pamumuhay ng mga mamamayan sa bansang ito.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos