Isang liham na pambati ang ipinadala Huwebes, Pebrero 17, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pulong bilang pagdiriwang sa ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Sri Lanka at ika-70 anibersaryo ng pagkalagda ng Rubber-Rice Pact.
Saad ni Xi, nitong nakalipas na 65 taon, ang relasyong Sino-Sri Lankan ay nagsilbing modelo ng mapagkaibigang pakikipamuhayan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng malaking bansa at maliit na bansa.
Diin niya, napapanatili ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at mga nasa poder na partido ng Sri Lanka ang mapagkaibigang pag-uugnayan, pinapasulong ang pragmatikong kooperasyon, pinapatingkad ang mahalagang papel para sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at inihatid ang benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Nakahanda aniya ang CPC na magpunyagi, kasama ng iba’t ibang partido ng Sri Lanka, para palaganapin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, at gagawin ang mas malaking ambag para sa pagpapasulong sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon.
Salin: Vera
Pulido: Mac