Nagtapos linggo, Hulyo 17, 2022 ang biyahe ni Pangulong Joe Biden ng Amerika sa Gitnang Silangan.
Ayon sa magasing “New Yorker” ang naturang 4-araw na biyahe ay nagpapakita ng lubusang pagkabigo ng patakaran ni Biden sa Gitnang Silangan.
Ang isyu ng enerhiya ay mahalagang paksa sa biyahe ni Biden.
Pero ayon sa magkasanib na pahayag pagkatapos ng pag-uusap ng mga lider ng Amerika at Saudi Arabia, walang malinaw na pangako ang panig Saudi Arabian hinggil sa pagpapataas ng produksyon ng langis.
Bigo rin ang target ng Amerika sa pagpapatibay ng sistema ng mga kaalyansa sa Gitnang Silangan.
Ayon sa ulat ng American media bago ang biyaheng ito, balak itayo ni Biden ang “Bersyon ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Gitnang Silangan.”
Pero ayon sa resulta, malinaw na inihayag ng ilang bansa ang kawalang panininwala rito.
Bukod diyan, hindi rin umubra ang tangka ng Amerika na sugpuin ang Tsina at Rusya sa Gitnang Silangan, sa pamamagitan ng naturang biyahe.
Winewelkam lamang ng mga bansa ng Gitnang Silangan ang mga bansang talagang nagbibigay-tulong sa kanilang pag-unlad.
Sinabi ni Adel al-Jubeir, Ministrong Panlabas ng Saudi Arabia na ang Tsina ay mahalagang trade partner, merkado ng enerhiya at mamumuhunan ng kanyang bansa.
Malinaw na batid ng mga bansa sa Gitnang Silangan na hindi kailanman pinahahalagahan ng Amerika ang pag-unlad ng Gitnang Silangan, sa halip, ang Gitnang Silangan ay itinuturing na kasangkapan at ahedres ng Amerika.
Napakalaking pagbabago ang naganap sa kayariang pandaigdig, at humihina na ang puwersa ng Amerika.
Ang pagkabigo ni Biden sa Gitnang Silangan ay hindi ang una, at hindi rin ito ang magiging huling pagkabigo ng diplomasya ng Amerika.
Salin: Vera
Pulido: Rhio