CMG Komentaryo: 90 milyon! Di matapos-tapos na trahedya ng Amerika

2022-07-22 15:32:50  CMG
Share with:

Ayon sa datos ng Johns Hopkins University ng Amerika, lumampas na sa 90 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika.

 

Samantala, mahigit 1.02 milyon ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.


Kapuwa nangunguna sa daigdig ang nasabing dalawang datos.

 

Sa likod ng mga datos na ito, may mga mas konkreto’t nakakagimbal na detalye: sa pagsisimula ng kasalukuyang taon, lampas sa 6 na milyong batang Amerikano ang nahawahan ng COVID-19; mahigit 250 libong bata ang naulila dahil sa pagkawala ng tagapag-alaga sa pandemiya; sa susunod na ilang taon, posibleng maharap sa malubhang epekto sa kalagayan ng isipan ang isang henerasyon ng mga bata; kasabay ng mabilis na pagkalat ng Omicron subvariant BA.5 at BA.4, lampas sa kalahating Amerikano ang namumuhay sa sonang nasa mataas na panganib ng pandemiya.

 

Bilang tanging superpower sa daigdig, pinakabigo sa daigdig ang kampanya ng Amerika laban sa pandemiya.

 

Ipinakita nito ang kawalang bisa ng sistemang pulitikal at pangangasiwa sa bansa ng Amerika.

 

Ibinunyag din nito ang pag-iisip at saloobin ng mga pulitikong Amerikano na inuuna ang personal na kapakanang pulitikal sa buhay ng mga mamamayan.

 

Kasabay ng paglapit ng mid-term election, tumitindi ang labanan ng mga partido ng Amerika.

 

Sa harap ng mataas na implasyon sa loob ng bansa, madalas na   pamamaril at marahas na insidente, di-kayang pag-ukulan ng pansin ng mga pulitikong Amerikano ang paglaban sa pandemiya.

 

Tiyak na hahantong ito sa walang tigil na pagtaas ng mga datos na may kinalaman sa pandemiya.

 

Hindi pa matatapos ang trahedya ng Amerika hanggang sa 90 milyon na datos.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac