Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono Hulyo 23, 2022, kay Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, sinabi ni Seyed Ebrahim Raisi, Pangulo ng Iran, na sa talastasan hinggil sa pagpapanumbalik ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), ang komprehensibong paglutas sa isyung nuklear ay nakadepende sa mabisang pagsunod ng iba’t ibang kinauukulang panig sa kasunduan, at paggarantiya sa ekonomikong interes ng Iran.
Sinabi pa niyang ang sangsyon ng Amerika sa Iran ay nagdudulot ng negatibong epekto sa ekonomiya ng buong daigdig, espesyal na para sa Europa.
Sinabi pa ni Pangulong Raisi na “di-konstruktibo” ang resolusyon na pinagtibay nitong Hunyo 8, 2022 ng konseho ng International Atomic Energy Agency (IAEA) na bumabatikos sa kakulangan ng kooperasyon ng Iran at IAEA.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio