Pagbangon ng kabuhayan, pinahalagahan sa unang SONA ni PBBM

2022-07-26 16:15:22  CMG
Share with:

Sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) kahapon Hulyo 25, 2022, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang unang gawain ng kanyang pamahalaan ay ang pagpapasulong ng pagbangon ng kabuhayan ng bansa.


Sinabi pa niyang isasagawa ng pamhalaan ang mga reporma para harapin ang mga hamon na gaya ng pag-unlad ng kabuhayan at pandaigdigang kalagayan.


Inilahad niya na ang target ng paglaki ng GDP sa taong ito na nasa 6.5% hanggang 7.5%.


Bukod dito, sinabi pa niyang magsisikap ang kanyang pamahalaan para mabawasan ang karalitaan, pambansang utang at kakulangan sa pananalapi at pataasin ang kita ng mga mamamayan.


Salin: Ernest

Pulido: Mac