Mga pangunahing tungkulin ng Tsina sa susunod na 5 taon, itatakda sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC

2022-07-28 12:43:20  CMG
Share with:

Sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na nakatakdang idaos sa huling hati ng taong ito, tatalakayin ang plano sa pag-unlad ng Tsina sa dalawang yugto tungo sa kalagitnaan ng Ika-21 siglo, at babalangkasin ang mga estratehikong tungkulin ng bansa sa susunod na limang taon.

 


Winika ito ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa isang workshop para sa mga opisyal na probinsyal at ministeryal na ginanap mula Martes hanggang Miyerkules sa Beijing bilang paghahanda para sa nabanggit na kongreso.

 

Sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC noong Oktubre ng 2017, itinakda ng CPC ang plano ng pag-unlad ng bansa sa dalawang yugto mula 2020 hanggang kalagitnaan ng kasalukuyang siglo.

 

Batay sa nasabing plano, isasakatuparan sa kabuuan ang sosyalistang modernisasyon ng bansa sa 2035, at hanggang sa kalagitnaan ng kasalukuyang siglo, uunlad ang Tsina bilang isang moderno, masagana, malakas, demokratiko, sibilisado, may-harmonya at magandang sosyalistang bansa.

 

Diin ni Xi, ang Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC ay magsisilbing mahalagang pangyayaring gaganapin sa masusing panahon ng Tsina, dahil pumasok ang bansa sa bagong paglalakbay tungo sa komprehensibong pagtatatag ng modernong sosyalistang bansa.

 

Nanawagan siyang buong sikap na pasulungin ang pag-ahon ng nasyong Tsino, at likhain ang panibagong kabanata ng komprehensibong pagtatatag ng isang modernong sosyalistang bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac