Tsina, nanawagan para itatag ang mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng SCO

2022-07-30 18:10:28  CMG
Share with:

 

Dumalo kahapon, Hulyo 29, 2022, sa Tashkent, kabisera ng Uzbekistan, si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa pulong ng Konseho ng mga Ministrong Panlabas ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).

 

Sinabi ni Wang, na dapat igiit ng mga kasaping bansa ng SCO ang Diwa ng Shanghai na nagtatampok sa pagtitiwalaan, mutuwal na kapakinabangan, pagkakapantay-pantay, mutuwal na pagsasanggunian, magkakaibang sibilisasyon, at paghahangad ng komong pag-unlad, para itatag ang mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng SCO.

 

Dagdag ni Wang, kailangang suportahan ng mga kasaping bansa ng SCO ang isa’t isa sa mga isyung may kinalaman sa kani-kanilang mga nukleong interes at malaking pagkabahala, at pangalagaan ang soberanya, seguridad, kapakanan sa pag-unlad ng mga bansa.

 

Nanawagan din siya sa mga bansa ng SCO na itaguyod ang rehiyonal na seguridad, sustenableng pag-unlad, at multilateralismo, at pasulungin ang konstruksyon ng SCO.

 

Sinang-ayunan naman ng lahat ng mga kalahok na ministrong panlabas na palawakin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at palakasin ang rehiyonal na konektibidad.

 

Nananalig din silang gaganap ang SCO ng mas malaking papel para pasulungin ang katatagan ng pandaigdigang production at supply chain.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos