Xi Jinping: Tsina at Iran dapat patuloy na suportahan ang isa’t isa

2022-07-30 18:07:36  CMG
Share with:

Sa pakikipag-usap sa telepono kahapon, Hulyo 29, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Ebrahim Raisi ng Iran, sinabi ng pangulong Tsino, na dapat patuloy na suportahan ng dalawang bansa ang isa’t isa sa mga isyung may kinalaman sa kani-kanilang mga nukleong interes.

 

Magsisikap ang Tsina, kasama ng Iran, para matamo ang bagong progreso sa kanilang komprehensibo at estratehikong partnership, at pasulungin ang pandaigdigang kaayusan tungo sa mas makatarungan at makatwirang direksyon, dagdag ni Xi.

 

Ipinahayag naman ni Raisi ang pananalig, na uunlad sa mas mataas na lebel ang relasyong Iranyo-Sino.

 

Pahihigpitin aniya ng Iran ang pakikipag-ugnayan sa Tsina, para pangalagaan ang katarungan sa mga suliraning pandaigdig.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos