Xi Jinping, nagbibigay-diin sa estratehiya ng pagpapalakas ng sandatahang lakas sa pamamagitan ng mga talento

2022-07-30 18:03:45  CMG
Share with:

Ilang araw bago ang ika-95 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina, idinaos Hulyo 28, 2022, sa Beijing, ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang study session tungkol sa pagpapalakas ng sandatahang lakas ng bansa.

 

Sa kanyang talumpati sa sesyon, binigyang-diin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar, na buong husay na isagawa ang estratehiya ng pagpapalakas ng sandatahang lakas sa pamamagitan ng mga talento, para palakasin ang kapwa kakayahan at katapatan ng mga tauhang militar, at pabutihin ang pagsasanay at pamamahala ng mga tauhang militar.

 

Ipinahayag din ni Xi ang pagbati sa lahat ng mga tauhan ng sandatahang lakas para sa ika-95 na anibersaryo ng pagkakatatag ng PLA.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos