Ipinagdiinan sa pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) Huwebes, Hulyo 28, 2022 ang kahalagahan ng paghahangad ng progreso, habang pinapanatili ang katatagang pang-ekonomiya.
Kaugnay nito, sinuri sa pulong ang situwasyong pang-ekonomiya ng bansa, at ginawa ang planong pang-ekonomiko para sa huling hati ng 2022.
Ayon sa pahayag matapos ang pulong, nakamit ng hakbang sa pagpigil at pagkontrol ng pandemiya at pagpapaunlad ng kabuhaya’t lipunan ang positibong bunga sa harap ng masalimuot at pabagu-bagong kalagayang pandaigdig at mahirap na internal na isyu kaugnay ng pagpapasulong sa reporma, pag-unlad at katatagan.
Anang pahayag, hiniling ng mga kalahok sa pulong na, pagtibayin sa huling hati ng taong ito ang pagbangon ng kabuhayan, patatagin ang hanap-buhay at presyo ng mga paninda, panatilihin ang takbo ng kabuhayan sa makatuwirang antas, at hangarin ang pinakamagandang posibleng bunga.
Ayon pa rito, dapat koordinahin ang pagpigil at pagkontrol sa pandemiya at pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan.
Pokus ng makro-ekonomikong patakaran ay pagpapalawak ng pangangailangan, habang ibayo pang pinatataas ang katatagan ng industrial at supply chain, at kakayahan sa kompetisyong pandaigdig, saad ng pahayag.
Tinalakay din sa pulong ang hinggil sa pagpapasulong ng reporma at pagbubukas, paggrantiya sa maluwag na pamumuhay ng mga mamamayan, at paglikha ng magandang kapaligiran para sa mga mangangalakal.
Mismong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang nangulo sa pulong.
Salin: Vera
Pulido: Rhio