Sa bisperas ng Ika-95 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina sa Agosto 1, 2022, ginawaran nitong Miyerkules ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ng August 1 Medal ang tatlong military servicemen na sina Du Fuguo, isang batang demining soldier, Qian Qihu, isang academician ng Chinese Academy of Engineering (CAE), at Nie Haisheng, komander ng Shenzhou-12 manned spaceflight mission.
Binigyan din ni Xi ng watawat na pandangal ang isang ground-to-air missile battalion ng PLA Air Force.
Ang August 1 Medal ay parangal para sa mga personaheng militar na gumawa ng namumukod na ambag para sa pagtatanggol ng soberanya, seguridad at kapakanang pangkaunlaran ng bansa, at pagpapasulong sa modernisasyon ng tanggulang bansa at mga hukbo.
Salin: Vera
Pulido: Mac