“Historikal at dakilang tagumpay ng Tsina sa depensa at sandatahang-lakas,” hinangaan ni Xi Jinping

2022-07-29 15:50:05  CMG
Share with:


Hulyo 27, 2022, Military Museum ng Chinese People's Revolution – Sa kanyang pagbisita sa eksibisyong nagpapakita ng mga natamong tagumpay ng sandatahang-lakas ng Tsina nitong nakalipas na ilang dekada, sa bisperas ng Ika-95 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng People's Liberation Army (PLA) sa Augusto 1, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ang paghanga sa “historikal at dakilang tagumpay” ng bansa sa usapin ng depensa at sandatahang-lakas.

 

Nanawagan siyang tuluy-tuloy na magpunyagi para ipagkaloob ang “estratehikong suporta” sa dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.

 

Diin niya, dapat lalo pang magsikap upang isakatuparan ang target para sa Ika-100 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng PLA.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio